• Tue. Sep 17th, 2024

PAMAMAHAGI NG GAMIT SA MGA BARANGAY PINANGUNAHAN NI GOVERNOR JONVIC REMULLA AT MAYOR STRIKE B. REVILLA

Byadmin

Sep 3, 2024

Dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Cong. Lani M. Revilla, Board Member Ram Revilla, Cong. Bryan Revilla – Agimat Partylist, kasama ang mga Sangguniang Panlungsod Members, ang pamamahagi ng gamit tulad ng batuta, cap, whistle, chaleco, vest, at raincoat na galing sa Pamahalaang Lalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Governor Jonvic Remulla.

Ang mga gamit na ito ay makakatulong sa mga Barangay tanod para sa kanilang pagpapatrolya upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong Barangay.

Ang 47 Barangay sa Lungsod ng Bacoor ay dumalo upang tanggapin ang mga gamit na ito na inilaan para sa mga Barangay Tanod.

Patuloy ang pagtutulungan ng Pamahalaang Lalawigan ng Cavite at Pamahalaang ng Lungsod ng Bacoor para sa ikabubuti ng pangangasiwa sa bawat Barangay.

“As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *