• Mon. Dec 22nd, 2025

PAMAHALAANG LUNGSOD NG BACOOR PATULOY NA NAGBINIGAY NG TULONG: FAMILY FOOD BOXES IPINAMAHAGI SA MGA BIKTIMA NG SUNOG

Byadmin

Dec 22, 2025

Bacoor Cityhall Lobby, Disyembre 15, 2025 – Patuloy ang agarang pagtugon ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Sitio Bulate, Barangay Dulong Bayan, at sa Camella East, Barangay San Nicolas 2. Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A, ipinamamahagi ngayong araw ang Family Food Boxes upang matiyak na may sapat na pagkain ang mga apektadong residente.

Sa kabuuan, 88 pamilya (298 indibidwal) mula Sitio Bulate at 1 pamilya (3 indibidwal) mula Camella East ang nakatanggap ng tulong. Ang bawat Family Food Box ay naglalaman ng 6 kilo ng bigas, 10 lata ng canned goods, at 10 sachets ng drink mix/soup, na magsisilbing pangunahing pagkain ng mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.

Dumalo sa pamamahagi ang mga kinatawan ng DSWD Region IV-A na sina Sir Marlden Tongson at Ric Vertudez, kasama ang mga kawani ng City Social Welfare and Development (CSWD). Ang inisyatiba ay bahagi ng tuloy-tuloy na relief operations ng lungsod, na dati nang nagbigay ng hot meals, hygiene kits, clothing kits, kitchen kits, at sleeping kits sa mga IDPs.

Tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na ang mga biktima ng sunog ay patuloy na makatatanggap ng sapat na pagkain, pangunahing pangangailangan, at suporta habang nagpapatuloy ang monitoring at validation sa mga apektadong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *