• Sun. Dec 29th, 2024

PAG AMYENDA SA CENTENARIANS ACT, ABRUBADO NA NG PANGULO

Nitong ika-26 ng Pebrero, pormal nang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapalawig sa Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016.

Sa bagong batas ay hindi lang ang 100 years old na senior citizen ang makatatanggap ng cash gift ngunit kasama na rin ang mga may edad na 80, 85, 90 at 95 taong gulang.

Tatanggap ng β‚±10,000 ang mga senior citizen na tutuntong ng 80, 85, 90 at 95 habang ang mga 100 years old naman ay tatanggap ng β‚±100,000 at letter of fecilitation mula sa Pangulo.

Nais ng Pangulo na bigyan halaga ang mga senior citizen sa pamamagitan ng ganitong suporta ng pamahalaan sa kani-kanilang mga naging kontribusyon noong sila ay kawal pa ng ekonomiya ng bansa.(Source: Philippine Information Agency Calabarzon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *