Pinangasiwaan ni Mayor Jon-Jon Ferrer ang pamamahagi ng P5,000 one-time cash incentive sa mga Gentriseño senior citizens na kamakailan ay sumapit sa gulang na 80-89. Kasabay nito, tumanggap naman ng P10,000 one-time cash incentive ang mga Gentriseño senior citizens na sumapit sa gulang na 90-99 kamakailan. Ito’y alinsunod sa City Ordinance No. 19-19 at City Ordinance No. 16-13. Kasamang dumalo sa distribution si Kon. Jowie Carampot, SP Chairperson – Committee on the Elderly.
Layunin ng Pamahalaang Lungsod na bigyang halaga at pagkilala ang mahalagang papel ng ating mga nakatatanda sa pagtataguyod sa ating lipunan.Let’s Join Forces for a More ProgressiveCity of General Trias!