Maagang nagsipila ang mga senior citizen at Persons With Disability (PWD) na residente ng Barangay Salitran III sa lungsod ng Dasmariรฑas para sa “Benteng Bigas, Meron na!” program rollout ngayong araw, Mayo 16.
Ayon kay Jennifer Ibayan, City Agriculturist, binibigyang prayoridad ng unang pasada ng P20 na bigas ang mga residenteng kabilang sa vulnerable sector, kabilang na ang mga senior citizen, Persons With Disability, solo parents, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Piipino Program (4Ps)
Siniguro ni Ibayan na magpapatuloy ang bentahan ng P20 bigas sa lungsod hangga’t mayroong supply nito.
Suportado ng pamahalaang lungsod ang pagbebenta ng murang bigas na layuning tulungan ang mga kababayan nating kabilang sa vulnerable sector na magkaroon ng sapat at masustansyang pagkain.
Ang “Benteng Bigas, Meron na!” ay katuparan ng pangako ng admninistrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa ilalim ng Bagong Pilipinas. | via PB,STT-PIA4A