Sa patuloy nating pagsusumikap na maiangat ang kalidad ng edukasyon at kalusugan sa ating lungsod, naitaguyod natin ang pagbibigay ng libreng salamin sa unang 300 mag-aaral na Imuseño sa ilalim ng programang Salamin Salamin, Bigay ng Mayor Namin, kaagapay ang Local Council of Women – Imus.
Sa ating pag-iikot, napansin nating maraming kabataang mag-aaral ang nahihirapang makasabay sa klase dahil sa malabong paningin na hindi agad natutugunan. Sa pamamagitan ng programang ito, sinisiguro nating hindi hadlang ang kondisyon ng kanilang mga mata sa kanilang pagkatuto. Hindi lang mas malinaw na paningin ang ating hatid, kundi pati na rin ang mas maliwanag na kinabukasan.
#1MayorAdvinculaAlex#1CongressmanAdvinculaAJ#MayorAA#TeamAJAA#AAngatAngImus#AlagangAdvincula#Nagkaka1sangTeamAJAA