BACOOR CITY | Opisyal nang bubuksan ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Hub sa Main Square Mall, Bacoor City, Cavite sa darating na Pebrero 14.
Ang OTOP Hub ay bahagi ng inisyatibo ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagtatampok sa mga natatanging produkto at serbisyo ng bawat bayan o lungsod sa Pilipinas.
Layon nitong matulungan ang mga Micro, Small and Medium-scale Enterprises (MSMEs) sa lungsod ng Bacoor na maibenta at maipagmalaki ang kani-kanilang mga produkto at serbisyo na tatak Bacooreño.
Naisakatuparan naman ang pagpapatayo sa OTOP Hub ng lungsod sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla at tanggapan ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla. | via City Government of Bacoor, PIA CAVITE