• Sun. Feb 1st, 2026

MPTC UNIT, UMAASA SA GO-SIGNAL PARA SA PLANONG CAVITE-BATANGAS EXPRESSWAY

Byadmin

Apr 14, 2023

Umaasa ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) na ma-aprubahan ang planong Cavite-Batangas Expressway sa kabila ng aberya sa alignment sa isa pang kaparehas na proyekto ng San Miguel Corp. (SMC)

Ginawaran ang MPTC ng original proponent status para sa P25.24-bilyong piso na Cavite-Tagaytay-Batangas Expressway (CTBEx) noong 2018. Balak ng proyekto maging isang alternatibong ruta para sa Aguinaldo Highway at Sta. Rosa-Tagaytay Road, dalawa sa daanang dinadagsa ng trapiko tuwing peak periods at weekends.

Ayon kay Raul Ignacio, pangulo at general manager ng MPTC unit MPT South Management Corp., may dayalogo na sila kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ukol sa balak na proyekto at umaasang maibibigay na ang plano sa National Economic and Development Authority para sa pagsusuri.

Samantala, napagkasunduan ng Cavite gov’t at ng SMC ang tollway concession agreement para sa CBEx. Maging sa Batangas gov’ ay naglagda rin ang SMC ng joint-venture agreement para sa kadugtong na Nasugbu-Bauan Expressway.

Inaaral ngayon ng DPWH ang dalawang nasabing plano dahil sa overlaps ng mga alignments nito. Ayon kay Miguel Bonoan, DPWH secretary, inaalam at sinosolusyunan na nila ang mga problema at aberya upang makapagsimula na ng konstruksyon ang dalawang nasabing proyekto. (go cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *