• Fri. Sep 13th, 2024

MISYON MEDIKAL 2023

Byadmin

Feb 17, 2023

BACOOR CITY | Maaari nang makiisa ang mga Bacooreñong nais mabigyan ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa isasagawang Misyon Medikal 2023 ng lokal na pamahalaan sa darating na ika-9 at 10 ng Pebrero.

Ayon sa pabatid, gaganapin sa Strike Gym para sa District 1 ang Misyon Medikal habang sa Bacoor Coliseum naman sa District 2 sa susunod na araw.

Magbubukas sa pagtanggap ang mga kawani ng City Health Office simula alas-8 ng umaga, magbibigay ng 20 slots bawat barangay ang CHO para sa libreng konsultayon at magkakaroon din ng stub para sa libreng salamin na kanilang makukuha sa bawat barangay.

Bukod dito, may limited stubs din na ipamimigay para sa X-ray, ECG, at libreng bunot na makukuha rin sa tanggapan ng City Health Office.

Naisakatuparan naman ang paglulunsad sa Misyon Medikal sa tulong ng Caviteños UK Association sa pakikipagtulungan ng Confederation of Community-Oriented Policing Syatem NGOs, at ng Bacoor LGU. | via City Government of Bacoor (PIA CAVITE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *