IMUS CITY | Nilahukan ng nasa 81 mag-aaral sa Grade 7 at Grade 8 ng Gen. Emilio Aguinaldo National High School (GEANHS) ang limang araw na Digital Literacy Training noong Oktubre 16 hanggang 20.
Sa pakikipagtulungan ng Imus City Public Library at Local Council for the Protection of Children (LCPC), inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nasabing training upang maturuan ang mga mag-aaral kung paano masisiguro ang kanilang kaligtasan sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
Naging resource speaker dito sina John Philip Tan at Engr. Adrian Barrera na nagbigay rin ng tips kung paano mapo-protektahan ng mga mag-aaral ang kanilang sarili online.
Nakasama rin dito sina Engr. Melan Mamalateo, Head ng DICT – Cavite, City Librarian Ms. Rosena Roman, LCPC Focal Person Jericho Reyes, at School Principal Arturo Rosaroso.
Ang Digital Literacy Training ay isa sa mga programa ng City Public Library na layuning mabigyan ang sapat na kaalaman ang mga Imuseño ukol sa modernong teknolohiya. | via City Government of Imus,(PIA CAVITE)