• Wed. Jul 30th, 2025

MGA BENEPISYO AT LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA SENIOR CITIZENS SA LUNGSOD NG IMUS, TULOY-TULOY

Byadmin

Mar 24, 2025

Magandang balita ang hatid ni Congressman AJ Advincula para sa mga kababayan niyang Senior Citizens. Aniya, tuloy-tuloy ang benepisyo at libreng serbisyo para sa kanila.

“Pagbati po sa ating minamahal na mga lola’t lolo sa matagumpay na pagsasagawa ng Senior Citizens General Assembly sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA). Masaya po ako na makita ang ating mga lolo’t lola at ibahagi sa kanila ang mga benepisyo at libreng serbisyo na kanilang matatanggap mula sa ating tanggapan at sa pamahalaang lungsod.” Pahayag ni Cong.Advincula.

“Kami po ng buong Team AJAA ay patuloy na maglilingkod nang may malasakit at pagmamahal para sa ating mga minamahal na senior citizens. Mahal po namin kayo palagi mga lolo’t lola! ” dagdag pa ng kongresista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *