TRECE MARTIRES CITY | Hired on the spot (HOTS) ang 57 jobseekers na nakilahok sa Mega Jobs Fair na inilunsad ng pamahalaang lungsod ngayong buwan.
Sa pangunguna ng Public Employment Services Office (PESO) Trece Martires City, mahigit 500 aplikante ang nakilahok sa nasabing programa.
Bukod sa mga aplikanteng agarang na-hire, nakatakda ring mag exam at sumalang sa final interview ang iba pang jobseekers na nakiisa sa job fair.
Ayon kay Mayor Gemma Lubigan, sunod-sunod na job fair pa ang maaaring asahan ng kanyang mga kababayan bilang bahagi ng programang pangkabuhayan ng pamahalaang lungsod. | via Mayor Gemma Buendia Lubigan ,Pia Cavite)