ROSARIO | Umabot sa mahigit 1,500 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ang nakiisa sa ginanap na Brigada Lakad Sayaw ng Pagkakaisa noong Sabado, Oktubre 21.
Kasama ang mga kinatawan at punong guro mula sa mga pribado at pampublikong paaralan, layon ng nasabing aktinidad na bigyang pagpapahalaga ang ehersisyo at ang magandang dulot nito sa kalusugan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nais rin nilang palakasin ang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan sa kanilang mga kababayan.
Personal namang dinaluhan nina Vice Mayor Bamm Gonzales at Konsehal Raul Hernandez, kasama din ang ibat ibang kinatawan at punong guro ng mga pribado at pampublikong paaralan upang ipakita ang kanilang suporta. | via Municipality of Rosario Cavite (PIA CAVITE)