• Wed. Jul 30th, 2025

LUNGSOD NG BACOOR NAGKAISA SA PAGHAHANDA NG TULONG PARA SA MGA BIKTIMA NG BAGYO AT HABAGAT

Byadmin

Jul 29, 2025

Bacoor City, Hulyo 24, 2025 — Nagkaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod at ang buong Team Revilla sa isang bayanihan para sa repacking ng mga relief goods.

Kasama sa mga dumalo at nakibahagi ang mga kawani ng lungsod, mga NGO, mga PNP, BFP, Army at iba pa volunteer group, upang maghanda ng mga relief packs na ipamamahagi sa mga naapektuhan ng Bagyong Crising, Habagat, at bilang paghahanda sa nalalapit na pagdating ng mga bagyong Dante at Emong.

Layunin ng aktibidad na ito na mabilis at maayos na maiparating ang tulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa gitna ng mga kalamidad.

Ang bayanihan ay patunay ng pagkakaisa at malasakit ng Bacoor para sa kapakanan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *