Matagumpay pong naisagawa kahapon ang libreng Operation Tuli sa mga kabataang Imuseño sa Imus City Sports Complex. 206 pong batang lalaki ang ating nabigyan ng libreng serbisyo katuwang ang Provincial Health Office, City Health Office at mga volunteers. Pagkatapos po ng pagtutuli ay binigyan po natin sila ng kumpletong antibiotic at pain reliever para masigurong maghihilom ang kanilang mga sugat.
Abangan po ang muling pag-arangkada ng ating Operation Tuli 2023 sa mga susunod pang mga araw.(Adrian Jay “AJ” Advincula)