• Sat. Dec 27th, 2025

LIBRENG MEDICAL SERVICES SA CAVITE

Byadmin

May 1, 2023

Mahigit 400 residente mula sa bayan ng Mendez at lungsod ng Dasmariñas ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal sa medical mission na inorganisa ng pamahalaang panlalawigan kamakailan.

Kabilang sa mga serbisyong libreng ipinagkaloob sa mga residente ay medical check-up at health counseling. Namahagi rin ng libreng gamot ang pamahalaang panlalawigan sa mga benepisyaryo ng medical mission. Ang nasabing medical mission ay pinangunhan ng Cavite Provincial Health Office kasama ang mga volunteer doctors mula sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital at iba pang pribadong ospital sa lalawigan.(pia cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *