Aabot sa 326 na residente mula sa Barangay San Francisco, General Trias City ang sumailalim sa libreng medical mission handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite katuwang si Kon. Walter Martinez nitong nagdaang Hunyo 22, 2023.
Bukod sa libreng konsultasyon at iba pang medical services, namahagi rin ng mga libreng gamot at mosquito-repellant lotion ang pamahalaan.
Mayroon ding libreng antigen swab testing para sa mga residenteng nakitaan ng sintomas ng COVID-19.(GO CAVITE)