Naghandog po tayo kasama ni Mayor Alex Advincula ng libreng full tank gas sa ating mga masisipag na tricycle drivers sa Lungsod ng Imus.
Nakasama po natin sa ceremonial fuelling ang mga TODA drivers mula sa iMart, San Roque sa pangunguna ng kanilang presidente na si Ernesto Beltran at ang Imus Public Market TODA kasama ang kanilang presidente na si Emmanuel Camantigue.
Sa programang ito, lahat po ng miyembro ng 37 na Tricycle Operators and Drivers Association o TODA sa ating lungsod ay makatatanggap ng gas coupons na maaari nilang ipalit ng libreng full tank sa ating mga participating gas stations.
Layunin po natin sa programang ito na makatulong sa hanapbuhay ng ating mga tsuper sa kabila ng nagtataasang presyo ng petrolyo.