Bilang suporta sa sektor ng edukasyon, namahagi ng laptops at water purifiers ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Pinangunahan ang turnover ceremonies nila Mayor Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Jonas Labuguen, mga Sangguniang Panlungsod, at mga opisyal ng DepEd Division of General Trias City. (City Government of General Trias fb page)