Naghatid ng iba’t ibang libreng serbisyong medikal tulad ng konsultasyon at mge medisina ang General Trias City Health Office (CHO) bilang bahagi ng ‘Kilatis Kutis’ campaign noong World Leprosy Day, Enero 30, 2024.
Sa pangunguna nina City Health Officer, Dr. Jonathan Porto Luseco Leprosy Program Coordinator Nurse III Mary Ann Bartolome, umabot sa 229 Gentriseño ang nabigyan ng libreng konsultasyon at mga gamot ng pamahalaang lungsod.
Dagdag kaalaman naman ang hatid ni Cavite HIV and Leprosy Program Coordinator Nurse Haydelisa Maderazo.
Ayon sa General Trias CHO, naging mahagalaga rin ang gampanin ng mga Barangay Health Worker, Barangay Nutrition Scholar at BPO sa tagumpay ng Kilatis Kutis na mula sa libreng konsultasyon hanggang sa libreng mga gamot ay naging kaagapay nila.
Sa isang Facebook post naman ipinahatid ng tanggapan ang kanilang pasasalamat sa pamunuan ng Brgy.Buenavista II sa pangunguna ni Kapitan Rodel Juliano, mga kagawad at ang mga barangay staff na siyang nagsilbing host barangay para sa programa na ito. Siniguro naman ng pamahalaang lungsod ang buong suporta nito sa mga programang pangkalusugan para sa kanilang mga kababayan. | via City Health Office – General Trias, Cavite