Humakot ng parangal ang pelikulang HINAKDAL (The Condemned) sa katatapos lamang na Cinemalaya Film Festival noong Linggo, Agosto 13.Ang nasabing short film ay obra nina Arvin Alindongan Belarmino at Kyla Romero na kapwa mula sa Lungsod ng Imus. Kabilang sa mga pagkilalang iniuwi nila ang mga pagkilala bilang Best Screenplay, Audience Choice Award, at NETPAC (Network for the Promotion of Asia Pacific Cinema) Award.
Sa kanilang synopsis, sinabi nina Belarmino at Romero na tinatalakay nito ang masamang pagtrato sa mga disadvantaged na tao. | via City Government of Imus