• Sat. Dec 28th, 2024

IMUS, KINILALA SA ENVIRONMENTAL SUMMIT NG DENR – EMB CALABARZON

Byadmin

Jul 30, 2023

Pinarangalan ng Plaque of Recognition ang Pamahalaang Lungsod ng Imus dahil sa Exemplary Solid Waste Management (SWM) Practice nito sa pamamagitan ng “Upcycling and Craft Production” sa ginanap na Environmental Summit ng Department of Environment and Natural Resources Office (DENR) – Environmental Management Bureau (EMB) CALABARZON Region noong Biyernes, Hulyo 21, 2023, sa Tagaytay City.

Binigyang-pagkilala rin si Ms. Doris Sagenes, Department Head ng CENRO, sa kaniyang pangunguna na maipatupad nang maayos ang SWM Act o Republic Act (RA) No. 9003 sa Imus.

Ilan sa mga programa at aktibidad na isinusulong ng Imus CENRO ay ang BasuRaffle, Tindahan ng Barangay, “No Segregation, No Collection Policy,” river cleanup sa tulong ng River Rangers, at ang araw-araw na pagwawalis ng Bantay Kalikasan sa mga pangunahing daan sa lungsod.

Mayroon din itong iba’t ibang pasilidad tulad ng garbage transfer station, biogas digester at material recovery facility na matatagpuan sa Eco Village. Matatandaang inamyendahan ang RA 9003 taong 2022, kung saan isinabatas ang RA 11898 o ang Extended Producers Responsibility Act. Layon nitong mapanagot ang mga pribadong kumpanya sa pagmamanupaktura ng mga plastic packaging waste na naipapasa sa mga konsumer.(City Government of Imus)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *