Sa pagtutulungan ng Imus City Agriculture Services Office at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Imus, inilunsad na sa Lungsod ng Imus ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project noong Huwebes, Abril 20, sa Brgy. Malagasang 1-G.
Tampok dito ang iba’t ibang mga tanim na gulay at prutas sa Community Garden ng nasabing barangay.
Dinaluhan ito nina Committee Chairperson on Agriculture Konsehal Totie Ropeta, ABC President David Sapitan Jr., CLGOO Joseph Ryan Geronimo, City Administrator Hertito Monzon bilang kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Mr. Jose Rafael Alarcon bilang kinatawan ni City Vice Mayor Homer Saquilayan, City Agriculturist Robert Marges, Kapitan Mark Oliver Valerio, at iba pang mga punong barangay ng Cluster 9.
Sa kasalukuyan, 14 na barangay ang nakikinabang sa proyektong ito. Layon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na maipatupad ito sa 97 barangay sa lungsod.
Ang HAPAG sa Barangay Project ng DILG ay isa sa mga isinusulong na solusyon ng pamahalaan sa kawalan ng katiyakan sa pagkain at sa pagpapatibay ng seguridad sa pagkain.(City Government of Imus)