• Mon. Jun 9th, 2025

Ginanap ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite. Pinangunahan ito ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehal ng bayan.

Byadmin

May 15, 2023

Ginanap ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite. Pinangunahan ito ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehal ng bayan.

Namahagi din kanina ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng tulong sa ating mga Fisherfolks na naapektuhan ng nag daang Bagyong Paeng. Kabilang sa ipinamahagi ay mga materyales pang gawa ng bangka para sa 33 mangingisda.

Kinilala din kanina ang mga mag aaral mula Rosario National High School na nagwagi sa 81st Araw ng Kagitingan and Philippine Veterans Week Celebration. Kabilang sa mga nagwagi ay sina: Sky Mae Buhain – 1st Place Essay Writing Contest, Miokeeh Sei Torres – 3rd Place Song Writing Contest at Naomi Nicole Labugen – 5th Place Poster Making Contest.

Sa kanyang mensahe, muling pinasalamatan ni Mayor Voltaire ang ating mga kabataang patuloy na nagpapamalas ng kagalingan at nag uuwi ng karangalan para sa ating bayan. Pinasalamatan din nya ang mga gurong patuloy na sumusuporta at nagtuturo sa mas lalong ikauunlad ng Batang Salinas. Pinaalala nya din sa lahat na palaging isapuso at isaisip ang paglilingkod sa lahat upang patuloy na makamit ang isang Bayang Tahimik, Masaya at Maunlad.

Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang Comelec, DILG, PNP, BFP, DepEd, at mga Punong Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *