

Sa pagpapatuloy ng Social Development and Management Program ng San Miguel AeroCity Inc. at sa pakikipagugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Naic, matagumpay na naipamahagi ang mga Food Packs para sa mga mangingisda at sa kanilang mga pamilya.
Ginanap ang pamamahagi sa Bancaan Covered Court ngayong araw na pinangunahan ni Mayor Raffy Dualan mga kawani at pamunuan ng San Miguel AeroCity Inc. at Municipal Agriculture Office.
Ang Naic LGU at mamamayang Naicqueños ay tauspusong nagpapasalamat sa inisyatibo ng pagtulong at kawanggawa para sa mga kababayan nating mangingisda. (Municipality of Naic)
