Ginanap kaninang umaga ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite. Pinangunahan ito ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehal ng bayan.
Binigyan pagkilala din ang mga mag-aaral mula David P. Jimenez Elementary School na lumahok at nag-uwi ng karangalan mula sa 2023 Regional Athletic Association Meet.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Voltaire ang mga kabataang patuloy na nagpapamalas ng kagalingan at nag uuwi ng karangalan sa ating bayan. Hinimok din nya ang lahat na patuloy na maglingkod ng tapat para sa ikauunlad ng bayan ng Rosario.
Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang Comelec, DILG, PNP, BFP, DepEd, at mga Punong Barangay.