• Tue. Jun 3rd, 2025

Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite.

Byadmin

Mar 3, 2023

Ginanap kaninang umaga ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite. Pinangunahan ito ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehal ng bayan.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Voltaire ang lahat ng mga konsehal ng bayan sa patuloy na pagsuporta sa mga adhikain nya para sa mas lalong ikauunlad ng bayan ng Rosario. Pinasalamatan din nya ang lahat ng mga kawani sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa mga taga Rosario at nangako na ipagpapatuloy ang lahat ng sinimulan ni Mayor Nonong sa ating bayan.

Ginanap din kanina ang panunumpa ng bagong opisyales ng Senior Citizen ng Barangay Wawa I.

Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang Comelec, DILG, PNP, BFP, DepEd, at mga Punong Barangay.(Municipality of Rosario Cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *