• Wed. Aug 6th, 2025

EDUCATIONAL ASSISTANCE, IPINAMAHAGI
SA MGA KABATAANG KAWITEÑO

Byadmin

Apr 2, 2023

Tumanggap ng tulong pinansyal ang ilang kabataang Kawiteño sa pamamagitan ng Iskolar ng Bayan Scholarship Program ni Cavite First District Jolo Revilla noong nakaraang Marso 17, 2023.

Sa ilalim ng nasabing programa, tumanggap ng ₱2,000 bawat isa ang mga mag-aaral mula pampublikong paaralan na nasa Grade 1 hanggang Grade 8 habang ₱3,000 naman para sa mga nasa Grade 9 hanggang Grade 12.

“Panimula palang ito dahil lahat ng mga estudyante sa buong bayan ng Kawit ay kabilang sa Iskolar ng Bayan,” pahayag ni Revilla.

Samantala, inabisuhan din ni Revilla ang publiko na antabayanan lamang ang susunod na schedule ng pamamahagi ng nasabing educational assistance.

Ayon sa Kongresista, ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pinagsama-samang tulong ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. at ng Agimat Partylist.

Source/Photo: Jolo Revilla (Facebook)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *