• Fri. Sep 13th, 2024

DOG FARM SA CAVITE, NAG-AALAGA NG 30 MALALAKING ASO

Byadmin

Feb 16, 2023

Umabot na sa 30 naglalakihang aso ang inaalagaan dog farm ni Melvin Cajigal na matatagpuan sa munisipalidad ng Amadeo. Ang ilan sa kanyang mga alaga ay Alabai, Caucasian Ovcharka, Hungarian Puli, Rottweiler, at Dobermann.

Batay sa naging ulat ng ABS CBN, nagsimula si Cajigal sa pag-aalaga ng Pinoy dogs at naengganyo lamang sa pag-aalaga at pagbibreed ng mga aso noong 2016.

“Ang purpose lang noon ay may pangbantay sa bahay namin. Lagi akong nasa work and then ang naiiwan sa house namin is ‘yung aking wife kaya bumili ako ng Rottweiler at Dobermann. Noong naresearcher ko na ‘yung about breeding at mayroon pa palang mga aso na mas malaki sa kanila, nakipagsapalaran ako na mag-import ng mga Alabai at tsaka mga Caucasian Ovcharka,” aniya.

Ayon sa kaniya, ang alaganag Caucasian Ovcharka niya ang pinakamalaki sa kaniyang mga alaga na aabot umano sa 6 feet ang tangkad kapag nakatayo.

Dahil nagmula pa sa ibang bansa ang mga aso, may kamahalan rin ang presyo ng mga ito kaya naman sinisiguro niya na maaalagaan ang mga ito ng maayos at mapapakain ng kanilang sariling gawang dog food sa Supero Dog Farm.

Para sa kay Cajigal, walang kapantay na kasiyahan ang naibibigay ng kanyang mga aso, na nakapagtatanggal ng kanyang mga pagod. (GO CAVITE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *