Muli po tayong nagkaroon ng pay out ng medical at burial assistance para sa ating mga kababayan, kasama po ang miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Bobby Montehermoso, katuwang ang tanggapan ng City Social Welfare Development na silang nagasikaso at nagproseso ng mga requirements ng ating mga naging benepisyaryo.
Kasabay din nito ang pamamahagi natin ng mga assistive devices para sa mahal nating mga PWD ng ating Lungsod.
Tuloy-tuloy lamang po ang mga kapaki-pakinabang na programa ng ating Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires para sa inyo mahal kong Treceños.
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!
MGBL