BACOOR CITY | Muling nagpaalala si Mayor Strike B. Revilla sa mga magulang, kabataan, at Barangay Officials sa lungsod ng Bacoor ukol sa ipinapatupad na Curfew Hours for Minors simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.
“Nakikiusap tayo sa lahat na makiisa sa adhikaing ito. Gayundin, ipinagbabawal po ang pagbebenta ng alak, sigarilyo, rugby at iba pang ‘addicting substances’ sa mga menor de edad,” mensahe ng alkalde.
Ito ay alinsunod sa umiiral na Ordinance No. 7 Series-2002 o An Ordinance Amending the Code of General Ordinances Regarding Curfew for Minors at Ordinance No. 171 Series-2021 o mas kilala bilang Child Development and Protection Code of the City of Bacoor, Cavite.
Simuman ang mahuling lumabag sa nasabing ordinansa ay haharap sa karampatang kaparusahan. (PIA CAVITE)