
Muling kinilala ng RP-Mission and Development Foundation INC. (RPMD) ang mga best performing district representatives sa CALABARZON region. Sa kanilang non-commissioned survey, nanguna sina Cong. Jolo Revilla ng 1st District ng Cavite na nakakuha ng 92.5%, Cong. Jay jay C. Suarez ng 2nd District ng Quezon na nakakuha ng 92.3% na sinundan nina Cong. Amben Amante ng Laguna at iba pa.
โAng pagkilalang ito po ay tagumpay ng buong Unang Distrito ng lalawigan ng Cavite dahil patunay po ito ng ating nagkakaisang hangarin at tunguhin na mas pataasin pa ang antas ng panunungkulan at pamumuhay ng ating mga kababayan. Sinasalamin din po nito ang isang mahusay, matapat, at makataong liderato na naka-ugat sa ating pangarap na gawing mas maayos, maginhawa, at mabilis ang mga serbisyong-publiko upang mapakinabangan ng mas maraming Caviteรฑo.โ Pahayag ni Cong. Jolo Revilla.