Sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng kamatayan ng Labing Tatlong Martir ng Cavite, ating binibigyang-pugay ang mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bayan. Ang kanilang sakripisyo ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa bawat Caviteño/Treceño upang ipagpatuloy ang laban para sa katotohanan, katarungan, at tunay na kasarinlan.
Kasama ng inyong lingkod sa mahalagang araw na ito sina Cavite 7th District Representative Ping Remulla, Board Member Abeng Remulla, Vice Mayor Bobby Montehermoso, miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod, mga Punong Barangay, mga empleyado ng National at Local Government, TMC Masonic Lodge #350, Alternative Learning System (ALS), at Knights of Columbus.
Ang espesyal na pagdiriwang na ito ay ginawang mas makahulugan sa pagbabahagi ng makabayang mensahe ng ating panauhing pandangal na si Sir Manny Franco Calairo, at kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-alala at pagbabalik-tanaw sa ating kasaysayan.
Nawa’y magpatuloy ang ating pagkakaisa, ayon sa mga adhikain ng ating mga bayani, para sa makatarungan at maliwanag na kinabukasan. Mabuhay ang Labing Tatlong Martir ng Cavite!
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!
MGBL