Sa puntos na 85-79, hinirang na kampeon ang Cluster 9 kontra Cluster 1 sa Finals Game 3 ng First Congressman AJ Cup Inter-cluster Basketball Tournament nitong Linggo, Hunyo 11, 2023, na ginanap sa Imus Sports Complex.
Bukod sa kampeonato, inuwi rin ng Cluster 9 ang P100,000 handog nina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula at City Mayor Alex “AA” L. Advincula.
Nakatanggap naman ng P70,000 ang Cluster 1 na nasa ikalawang puwesto at P40,000 ang Cluster 2 na nakuha ang ikatlong puwesto matapos ang kanilang laban kontra Cluster 6 na nakapag-uwi naman ng P20,000 noong Sabado, Hunyo 10.
Kinilala si Dave Areno ng Cluster 9 bilang Finals Most Valuable Player.
Kaagapay rin sa paligsahan ang Imus City Sports Development Unit.(city government of imus)