Taos-pusong pasasalamat sa Cavite Police Provincial Office para sa kanilang imbitasyon na magsilbing Guest of Honor at Speaker ang inyong lingkod para sa kanilang selebrasyon ng National Women’s Month ngayong araw. Isa pong karangalan na makaharap at makilala ang mga mahuhusay na policemen and women mula sa ating Probinsya.
Maraming salamat sa ating mga nakasama sa naturang aktibidad na sina Provincial Director PCOL Christopher F. Olazo, Deputy Provincial Director for Administration PLTCOL Sherwin Boy A. Maglana, at Deputy Provincial Director for Operations PLTCOL Jesson V. Bombasi. Sisiguraduhin po natin na patuloy ang ating pagtaguyod sa paglaban sa karapatan at pagkilala sa taglay na lakas ng mga kababaihan.