• Mon. Jun 9th, 2025

Carmona,ipinagdiriwang ang huling annibersaryo ng pagkakatatag bilang isang “Bayan”

Byadmin

Mar 3, 2023

Noong Linggo, Pebrero 19, ay ipinagdiwang ng mga residente ng Carmona ang ika-166 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang isang bayan sa huling pagkakataon.

Sa susunod na taon ay opisyal nang ikakategorya ang Carmona bilang isang “lungsod” pagkatapos makumpleto ang mga kinakailangan para sa pagiging lungsod.

Ang selebrasyon noong Linggo ay naging makulay dahil sa temang, “Direct Access to Healthy Lifestyle Intervention and Advocacy’ (DAHLIA) 2023,” na may mga aktibidad na inorganisa ng municipal information, tourism, health at cultural offices.

Isang Zumba dance session ang ginanap sa CarSiGMA (Carmona-Silang-General Mariano Alvarez) Gymnasium sa Barangay Lantic, na dinaluhan ng mga residenteng nakadamit bilang mga superhero kabilang ang Filipino heroine na si Darna at ang mga kontrabida na sina Valentina at Zuma, isang ’70s rockstar, Barbie doll, Power Puff Girls, Snow White, Little Red Riding Hood at maging ang mga karakter sa Netflix series na Squid Game.

Kasama sa iba pang mga aktibidad ang kumpetisyon ng drum at lyre at street dancing.

Ang mga pagdiriwang ay tinatayang nilahukan ng humigit-kumulang 3,000 residente.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Homer Aguinaldo, Municipal Health Officer ng Carmona, na ang tema ay “conceptualized by the Department of Health, adopted by Carmona LGU.”

Aniya, ang programa ay ipinangalan kay Mayor Dahlia Loyola. (Go Cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *