CARMONA | Nominado sa dalawang (2) kategorya ang lungsod ng Carmona sa PEARL Awards ng Association of Tourism Officers of the Philippines at Department of Tourism ngayong taon.
Kinilala bilang mga national finalist ang Sorteo Festival para sa Best Cultural Festival Award, at Reciclar de Carmona para naman sa Best Tourism Gifts or Souvenirs (Non-Food).
Labis naman ang pasasalamat ng pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Information, Tourism, Culture and Arts Office (CITCAO) sa pagkilalang ibinigay ng ATOP at DOT sa kanilang mga programa na naglalayong mapagyabong ang sektor ng turismo.
Gaganapin ang awarding ceremony sa darating na Oktubre 5, 2023 sa Boracay Island, Aklan. | via @City Government of Carmona (pia cavite)
