Inagurasyon ng Balay Silangan Reformation Center. Ang Balay Silangan Reformation Center Rosario Cavite ay proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang sangay ng gobyerno gaya ng PNP, DTI, Tesda at DILG. Layunin ng programang ito na bigyan ng pagkakataong makapagbago ang mga kababayan nating minsang nasangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Voltaire si Dir Bryan Babang, PDEA Regional Director, sa di matatawarang suporta sa Bayan ng Rosario. Pangako nya na lalong paiigtingin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot katuwang ang Rosario Municipal Police Station sa pangunguna ni Acting Chief of Police PMAJ Sandie Caparroso.
Kasama din sa mga dumalo sina PDEA Regional Dir. Bryan Babang, Pnp Deputy Provincial Director for Admin Lt. Col Sherwin Boy Maglana, DTI Provincial Director Revelyn Cortez, Rosario Tesda In-charge Orlando Saulon, PDEA Provincial Officer Theonette Solar, MLGOO Ms. Evelyn Alvarez, MHO Dr. Noriel Emelo, MWSDO Ms. Exelda Tabisola, LnB President Hon. Jojo Crisostomo, mga Barangay Captain at iba pang mga kinatawan ng ating Munisipyo.(Municipality of Rosario Cavite)