Tunay ngang iba talaga ang mga taga-Rosario pagdating sa paggawa ng mabuti sa kapwa. Hindi na mabilang ang mga driver na may busilak na kalooban.
Pinarangalan ngayong araw, kasabay ng ligguhang tradisyon na pagtataas ng Bandila ng Pilipinas si CJ Montalban, ang sidecar driver na nagsauli ng halagang 13,000 pesos na pag-aari ng tourism student.
Dahil sa pagiging mabuting tao at may busilak ang puso sa kapwa ni CJ, isang bagong sidecar at pinansyal na gantimpala ang ibinigay ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente at VM Bamm Gonzales. “Dahil sa iyong kabutihan na ginawa ay hinahangaan ka ngayon ng marami, salamat sa isang tulad mo na tunay na maipagmamalaki ng buong bayan ng Rosario. Para hindi ka na makilabasan ay ibibili kita ng bagong sidecar”, pahayag ni Ricafrente.PIA Cavite