Matagumpay na naisagawa ang Dishwashing Liquid Training na nilahukan ng dalawampuโt isang (21) benepisyaryo mula sa LGU Las Piรฑas. Ang pagsasanay na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at kakayahan upang makapagsimula sila ng sariling maliit na kabuhayan.
At kamakailan ay isinagawa ang awarding ng starter kits bilang konkretong suporta sa kanilang bagong hakbang tungo sa dagdag kita at mas matatag na kabuhayan nila dito sa Trece Martires, ang bago nilang tahanan.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa pagpapalakas ng kakayahan ng mamamayan at pagbibigay ng tunay na oportunidad para sa lahat.
Maraming salamat sa Housing Division at Barangay Cabuco na nangasiwa ng programa.
