• Mon. Aug 11th, 2025

AKSYON CENTER–EXTENSION OFFICE PINASINAYAAN NI CONG. AJ

Byadmin

May 20, 2024

Pormal na binuksan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, kaagapay si City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ang Aksyon Center – Extension Office ngayong Lunes, Mayo 13, 2024, sa Old Imus City Hall Bldg., Brgy. Poblacion 4-C.

Layon nitong mas mailapit sa mga Imuseño ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng medical, financial, at burial assistance sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), pagbibigay ng guarantee letters para sa pagpapaospital, at laboratory tests.

Sa kaniyang talumpati, inilahad ni Cong. AJ na ayon sa mga isinagawang pag-aaral ng kaniyang tanggapan at ng tanggapan ni Mayor AA, napag-alaman nilang mayroong mga barangay sa Imus na kailangan pang pagtuunan ng pansin.

Kaya’t isa ang extension office ng Aksyon Center na nakalaan para sa Clusters 2, 5, at 8 sa mga nakalatag nilang programa at proyekto kaugnay ng layuning ito. Dumalo rin sa isinagawang ribbon cutting at pagbabasbas ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *