Nagpakita ng interes ang 289 na kabataang Imuseñong dumalo sa ginanap na Junior Business Leader Summit 2023 nitong Martes, Setyembre 26, 2023.
Ibinahagi ni Mr. Paulo Tibig, guest motivational speaker, ang kaniyang mga kaalaman pagdating sa pagsisimula at pagpapalago ng negosyo. Ang Junior Business Leader Summit 2023 ay pinangunahan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) at Local Council for the Protection of Children (LCPC).
Nakasama rin dito sina LEDIPO Officer-in-charge Jhett Vilbar-Lungcay, LCPC Focal Person Jericho Reyes, at City Information Officer Ervin Ace Navarette.
Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na sa pamamagitan nito ay mahikayat ang mga kabataan na magsimula ng kanilang negosyo. (Photos by: Imus CIO)(City Government of Imus)
