Sa temang “AAngat agad ang buhay kapag may Negosyo,” nagsagawa ang City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial Development Office (CICLEDO) ng Livelihood Skills Training sa Brgy. Malagasang 2-B nitong Huwebes, Hunyo 22, 2023.
Natutunan ng 50 katao ang recipe sa paggawa ng kape at milk tea sa tulong ni Mr. John Mark Wilbur Asehan.
Ang Livelihood Skills Training ay isa sa mga programa ng CICLEDO na layong matulungan ang mga Imuseño na makapagsimula ng sarili nilang negosyo.(City Government of Imus)
