• Tue. Jun 3rd, 2025

9-DAY VAX ON WHEELS, INILUSAD SA GENERAL TRIAS

Byadmin

Feb 24, 2023

Inilunsad ng General Trias Health Office ang 9-Day-on-the-Wheels Vaccination Drive noong Martes, Pebrero 7, sa Kensington 15 Clubhouse area, Lancaster New City sa Barangay Navarro. Pinangunahan ni Department of Health Assistant Regional Director Leda Hernandez ang inoculation drive para sa mga residente ng lokalidad sa pamamagitan ng โ€œSavaxx sa Laban vaccine driveโ€ na dinaluhan ng maraming residente. Layunin ng proyekto na mabakunahan ang mga senior citizen, mga batang edad 5 taong gulang pataas, at ang mga nangangailangan ng booster doses laban sa Covid-19 at iba pang regular na pagbabakuna para sa mga batang edad 0-59 months, gayundin ang mga nasa hustong gulang upang maprotektahan sila laban sa mga sakit na maiiwasan sa tulong ng bakuna. Nagbigay naman ng kanyang pagsuporta sa programa si Mayor Luis “Jon Jon” Ferrer kasama ang ibang lokal na opisyales ng lungsod.(GO CAVITE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed