• Tue. Jun 3rd, 2025

78 Pamilyang inilikas pinadalhan ng tulong ni Mayor Alex Advincula

Byadmin

Sep 4, 2023

Pinadalhan ng tulong ni Mayor Alex Advincula ang 78 pamilyang inilikas natin at pansamantalang nanunuluyan sa 5 evacuation sites dahil po sa pananalanta ng Bagyong Goring.

Nakasubaybay at nakahanda rin po rito ang ating City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mga karagdagang tulong na maari nilang maibigay sa kapwa nating Imuseño. Para po sa gustong mag ulat ng aksidente o pagtaas ng tubig sa inyong lugar, ipagbigay alam ito sa Imus CDRRMO gamit ang kanilang mga emergency hotlines: ☎ (046)472-2618☎ (046)472-2623☎ (046)472-2625☎ 0919-069-1703

Patuloy po tayong mag-ingat at maging alisto, Imuseño. Maraming salamat po.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *