• Mon. Dec 9th, 2024

65 Seasonal workers mula sa GMA Cavite, Patungo na sa South Korea

Byadmin

Feb 16, 2023

GENERAL MARIANO ALVAREZ | Nasa byahe na patungong South Korea ang 65 seasonal workers na natulungan ng lokal na pamahalaan upang maging bahagi ng Agricultural Exchange Program.

Ayon kay Mayor Maricel Echevarria Torres, ang 65 indibidwal ay kabilang na sa ikatlong batch ng seasonal workers na kanilang tagumpay na naipadala sa nasabing bansa upang makapagtrabaho sa ilan sa mga industriya tulad ng Agriculture, Forestry, Livestock at Fisheries.

“Ito po ay bunga ng pagsisikap ng ating pamahalaang bayan sa pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya upang mabigyan ng magandang trabaho ang ating mga kababayan,” mensahe ng alkalde. | via Mayor Maricel Echevarria Torres/PIA CAVITE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *