Ngayong araw, ika-28 ng Agosto 2024, dinaluhan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang 2nd Regional Mother-Baby Friendly Calabarzon Stakeholders Forum & Awarding Ceremony na ginanap sa Dusit Thani Manila, Makati City.
Ang programa ay dinaluhan ng mga halal na opisyal mula sa iba’t-ibang Lungsod at Bayan na galing sa Region 4-A. Tumagal ng 6 na oras ang programa na puno ng kaalaman tungkol sa mga serbisyo na ibinibigay ng bawat Lungsod at Bayan na makakatulong sa mga mamamayan.
Ang Lungsod ng Bacoor ay nakatanggap ng 3 parangal:
1. BREASTFEEDING CHAMPION AWARD
2. MOTHER SUPPORT GROUP INITIATIVE
3. BREASTFEEDING PROGRAM PARTNER (MALE DORMITORY)
Pinarangalan ang Lungsod ng Bacoor dahil sa maayos na pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla. Ang mga parangal na nakuha ng Lungsod ng Bacoor at ng BJMP Male Dormitory ay mula sa Mother-Baby Friendly Calabarzon.
Ito ay patunay na ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay sumusuporta sa anumang programa at proyekto na makakatulong sa mga Bacooreno.