• Thu. Jul 31st, 2025

21st National Oral Health Month Celebration

Noong Pebrero 12, 2025, tayo ay nagkaroon ng selebrasyon ng ika-21st National Oral Health Month na may temang “Pamilya Una Kong Dentista”. Ito ay dinaluhan ng mga bata sa sampung daycare centers ng Trece Martires kasama ang kani-kanilang mga magulang.

Nakakatuwang makita ang mga daycare pupils na pumaradang suot ang kanilang malikhaing kasuotan tungkol sa pangangalaga ng ngipin. Nanood din sila ng mga oral health video presentations tulad ng “Bakit Masakit ang Ngipin ni Annie” at “Tamang Paraan ng Pangangalaga ng Ngipin”, upang maituro sa kanila ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa ating mga ngipin.

Napuno rin ng sigla at tuwa ang ating programa sa pamamagitan ng Question and Answer, iba’t ibang palaro, at ang pagbibigay ng parangal sa mga Orally Fit Children at Best in Costume. Bago magtapos ang selebrasyon, tayo ay namahagi din ng mga dental kits, na tiyak na makakatulong upang mas mapanatili ang malusog at malinis na ngipin ng ating mga kabataang Treceño.

Maraming salamat City Health Office na silang naging abala sa selebrasyong ito.

Be blessed,

Be a blessing!

Bagong Trece,

Puso ng Cavite,

Lungsod ng Pag-asa!

#GGBL

#GoodGovernanceforBetterLife

❤️MGBL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *