Makabuluhang ginunita ng City Tourism and Heritage Office ng City Government of Imus ang 2024 Pambansang Araw ng mga Bayani kahapon, Agosto 27, sa Hen. Licerio C. Topacio Park (Imus City Plaza). Kasabay sa pagdiriwang nito ang ika-185 anibersaryo ng kapanganakan ni Hen. Licerio C. Topacio.
Pinangunahan nina Pangalawang Punong Lungsod Homer T. Saquilayan, Konsehal Jogie Lyn L. Maliksi (Chairperson, Committee on Tourism and Culture), Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Igi Revilla-Ocampo, City Administrator Tito Monzon, CLGOO Joseph Ryan Geronimo at Acting City Tourism Officer Dr. Emanuel Paredes ang pag-aalay ng bulaklak mula sa City Government of Imus.
Nakiisa at naghandog din ng bulaklak ang National Historical Commission of the Philippines, sa pangunguna nina Haidee Paulette Bedruz ng @NHCP Museo ni Emilio Aguinaldo at Ahzel Miran ng NHCP Museo ni Baldomero Aguinaldo, Cavite Historical Society sa pangunguna ng Tagapangulo Dr. Emmanuel F. Calairo, Imus Historical Society sa pangunguna ni Pangulo Dr. Arlene S. Abella-Sauรฑa at mga inapo ni Hen. Licerio C. Topacio.
Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang ang DILG Family na binubuo ng PNP Imus, BFP Imus at BJMP Imus (Male & Female Dormitory), Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Ms. Marisel Cayetano, Department of Education – Imus sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Homer Mendoza, DepEd Tayo General Licerio Topacio NHS – Imus City School Principal Petronia Tarun at Knights of Columbus 4th Degree Gen. Licerio C. Topacio Assembly ACN 3277 sa pangunguna ni Past Chartered Faithful Navigator Antonio Alguas.
Naghandog naman ng musika ang Imus Youth Symphonic Band ’83, Inc. at nagbigay panalangin si Pastor Conrado Perez mula sa Imus City Chaplain.
Ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani ngayong taon ay may temang “Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago.”