• Thu. Sep 19th, 2024

120 kabataang Imuseñong may kapansanan, nakiisa sa Kakaiba Art Exhibit

Byadmin

Jul 21, 2024

Itinampok ng City of Imus Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang makukulay at naggagandahang 40 artwork ng mga kabataang Imuseñong may kapansanan sa Kakaiba Art Exhibit noong Biyernes, Hulyo 12, 2024, sa Robinsons Imus.

Naganap din ang isang Basic Art Lesson kung saan 70 likhang sining ang naipinta.

Sa kabuuan, 120 bata ang lumahok. Nakasama rin dito si Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima.

Idinaraos ang National Disability Rights Week (formerly National Disability Prevention and Rehabilitation Week) kada taon upang maisulong at masiguro ang pantay na pagtingin at karapatan sa mga taong may kapansanan, alinsunod sa Proclamation No. 597, s. 2024.

#AAngatAngImus

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *